You Are Not Alone
Alam mo ba ang kahalagahan ng pagkakaroon ng go-to person—isang taong maaari mong lapitan at masandalan lalo na kapag may problema ka. Hindi naman para bigyan ka agad ng solusyon, kundi para makinig at iparamdam sa'yo na hindi ka nag-iisa sa pinagdadaanan mo. Mayroon ka na bang ganitong tao sa buhay mo?
Recently, I caught up with a friend I've known for a long time. As we were talking, she shared something with me that I wasn't expecting. May panahon daw na hindi siya komportableng ikwento sa akin ang mga pinagdaanan niya. Nagtaka ako kung bakit.
Ang sabi niya, tuwing may sinasabi siyang problema, ang madalas ko lang sagot ay, "Dalhin mo lang 'yan kay Lord." Totoong maganda naman ang payong iyon, at sincere ko naman iyong sinabi. Pero hindi ko alam noon na sa paraan ng pagsagot ko, ang dating pala sa kanya ay parang binabalewala ko ang pinagdadaanan niya.
Malaking lesson iyon para sa akin. Natutunan ko na may tamang panahon para i-encourage ang isang tao na lumapit kay Lord, at may tamang panahon din para makinig muna sa kanya. Hindi pala magkaaway ang dalawang iyon. Ginawa tayo ni Lord na kailangan Siya, pero ginawa rin Niya tayong kailangan ang isang healthy community—mga taong makikinig at sasamahan tayo sa mga panahong mabigat ang buhay.
At iyan ang kagandahan ng isang healthy community. Kapag nanghihina ka, may mga taong magpapaalala sa'yo kung saan ka pwedeng humugot ng pag-asa.
Let’s read this verse together:
Why are you cast down, O my soul, and why are you in turmoil within me? Hope in God; for I shall again praise him, my salvation. (Psalm 42:5 ESV)
Nakikita mo ba? In this Psalm, the writer does not deny his feelings. Inaamin niyang mabigat ang kanyang nararamdaman at magulo ang kanyang puso. At sa gitna ng kaguluhang iyon, pinili niyang ipaalala sa sarili na manalig sa Panginoon.
Kung mabigat din ang pinagdadaanan mo ngayon, pwede mong gawin ang ginawa niya. You can call out to Him. At kung may taong inilagay si Lord sa buhay mo na maaari mong lapitan, huwag kang matakot mag-open up. Minsan, ginagamit din Niya ang mga taong iyon para ipaalala sa atin na hindi tayo nag-iisa.
Tandaan mo, isa kang miracle!