• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
    • VI Vietnamese
Publication date Ago 20, 2026

Hold On To Hope

Publication date Ago 20, 2026

Nasa season ka ba ngayon na pakiramdam mo parang kinakain ka na ng mga problema?

Recently, lumabas ako kasama ang mga barkada ko noong high school. Ang original plan namin ay mag-jamming lang, dahil dati kaming magkakasama sa isang banda noong high school at college. Tumambay muna kami sa bahay ng isa naming kaibigan, at bandang 8 PM na lang kami pumunta sa isang bar.

Naku, hindi namin akalaing hindi na namin kaya ang ingay sa bar! Habang tumatagal, mas nahihirapan kaming magkaintindihan sa mga pinag-uusapan namin.

Ang isa sa amin ay nurse ngayon sa isang kolehiyo kung saan may isang estudyanteng nag-suicide ngayong taon. Ikinuwento niya sa amin ang ilang bagay na alam niya tungkol sa estudyante—na isa raw itong achiever. Nakakalungkot talaga.

Napansin ko rin kung paano nag-aalala ang mga kaibigan ko para sa kanilang mga anak. Sa dami ba naman ng nangyayari sa paligid—mga balita tungkol sa violence, public shootings, at mga mental health struggles na kinakaharap ng maraming kabataan ngayon.

Habang nakikinig ako sa mga kwento nila, naisip ko kung gaano karaming bigat ang dala ng mga tao ngayon. The good news is, we can have hope in the midst of all the troubles in the world. 

Let’s read this verse together: 

Ngunit nanunumbalik ang aking pag-asasapagkat aking naalala:Dahil ang pag-ibig at awa ng Panginoonay walang katapusankaya hindi tayo tuluyang nalipol.Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag.Dakila ang katapatan ng Panginoon! (Mga Panaghoy 3:21-23 ASD

Isinulat ito ng propetang Jeremiah sa panahon na parang wala nang natitirang pag-asa para sa bayan ng Diyos. Pero sa gitna ng lahat ng iyon, may naalala si Jeremias: hindi nagbabago ang pag-ibig at awa ng Panginoon. Tapat pa rin Siya, at araw-araw Niyang ipinapakita ang Kanyang habag. 

You can trust Him, too. Kapag pakiramdam mo ay napakabigat na ng lahat, maaari mong ipanalangin:

"Lord, sa mga panahong parang wala nang pag-asa, tulungan Mo akong manalig sa Iyo. Dahil Ikaw ang laging tapat at totoo."

Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark Cabag
Author

Advocate for fostering and adoption who loves both the mountains and city life!