Trust Him
Kumusta ka kapag dumaraan ka sa mga sitwasyong hindi mo maintindihan? Paano mo hinaharap ang mga tanong na parang walang malinaw na sagot?
A few years ago, our family went through something that was highly emotional. The baby that we fostered from the time he was 3 weeks old was finally adopted by his new family.
Hindi ito dahil ayaw namin siyang ampunin. Sa totoo lang, gusto talaga namin. Pero dahil sa mga legal na proseso at mga bagay na wala na sa kontrol namin, kailangan namin siyang ipaubaya sa ibang pamilya.
Mahirap unawain kung bakit hindi hinayaan ng Panginoong manatili siya sa pamilya namin. Mahal na mahal namin siya. Alam naming kaya namin siyang palakihin, alagaan, at turuan tungkol sa pagmamahal ni Lord. Mas lalo pa kaming napaisip nang malaman naming napunta siya sa isang mabuting mag-asawa pero hindi pa nakakakilala kay Jesus noong mga panahong iyon. Marami kaming tanong, pero kakaunti ang mga sagot.
Habang pinoproseso namin ang lahat ng iyon, pinaalala sa amin ni Lord ang kuwento ni Samuel.
Inialay ni Hannah ang kanyang anak na si Samuel na maging alagad ng Panginoon at katulong ng pari na si Eli. Pero mga masasamang tao ang mga anak ni Eli na kasama niyang mga pari sa panahong iyon. Kung ikaw siguro ang ina ni Samuel, hindi mo magagawang iwan ang anak mo sa ganoong sitwasyon. (Mababasa ito sa 1 Samuel 1-2)
Pero hindi ni Lord pinabayaan si Samuel. Pinalaki pa rin Niya itong may puso para sa Kanya, kahit na ang mga kasama niya sa pamamahay ay ang dalawang masasamang anak ni Eli.
So, if you’re feeling anxious about something right now, pwede mo itong ikuwento sa Kanya. Siya ang laging nag-iisip ng pinakamabuti para sa atin at Siya ang maaasahan nating sandalan sa mga panahong magulo ang ating isipan.
Tandaan mo, isa kang miracle!