When Plans Fall Apart
Kapag maganda ang nangyari, madali tayong matuwa o ma-excite. Pero paano kapag iba ang nangyari na hindi mo inaasahan? Paano kung hindi ito maganda o kaya hindi natupad ang matagal mo ng gusto? Nakakawalang-gana ba o nakakaapekto sa pag-asa?
Parang ganoon ang naranasan namin noong hindi nag-work out ang pag-foster namin ng dalawang mas matatandang bata. We entered that situation fully believing that God had a plan for them, including bringing healing from the traumatic experiences they may have gone through earlier in life.
Natutunan naming maraming mabibigat na pinagdaanan ang mga batang ulila, at hindi laging madali ang proseso ng healing. Then, just when we thought we were beginning to see some breakthroughs with them, hindi pala ito magpapatuloy, at kinailangan nilang lumipat sa ibang pamilya.
That was a very discouraging time for us as a family. May mga panahong napatanong kami kung may halaga pa ba ang ginagawa namin. Pero doon din namin nakita na kahit nagbabago ang sitwasyon, hindi nagbabago ang Diyos. He continued to walk with us through the valley. Hanggang ngayon, nakikita pa rin namin ang mga bagay na itinuturo Niya sa amin bilang isang pamilya.
This reminds me of a verse in the Bible:
Let us hold unswervingly to the hope we profess, for he who promised is faithful. (Hebrews 10:23)
Nasa panahon ka ba ngayon kung saan kailangan mong humawak sa pag-asang hindi natitinag anuman ang mangyari? Lumapit ka sa Kanya, dahil Siya ang nananatiling tapat at maaasahan sa bawat season ng buhay.
You can pray this with us:
“Lord, sa lahat ng nangyayari, kailangan ko ng isang bagay na pwede kong panghawakan na hindi nagbabago. Turuan Mo akong lumapit at sumandal sa Iyo. Salamat dahil maaasahan Kita sa bawat season ng buhay ko. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!