• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
    • VI Vietnamese
Publication date Ago 16, 2026

Need Hope?

Publication date Ago 16, 2026

Pansin mo rin ba nitong mga nakaraang buwan, parang sunod-sunod ang mga balitang nakakalungkot at nakakabahala? Yung mga pangyayaring dati ay nababalitaan lang natin sa ibang bansa, nararanasan na rin natin ngayon—tulad ng school shootings. Dagdag pa rito ang mga natural calamities gaya ng mga bagyo, pagbaha, at lindol. At parang dumadami din ang mga kaso ng suicide. Minsan, mapapaisip ka na lang, “Ano na ba ang nangyayari sa mundo?”

A few months ago, may isang college student na kilala ng mga anak namin ang pumanaw dahil sa suicide. Hindi namin alam ang buong kwento kung bakit ito nangyari. Kahit hindi naman namin malapit na kaibigan ang pamilya nila, mabigat pa rin ang balita.

Isang umaga, nakasalubong ni Mark ang isa sa mga matalik na kaibigan ng estudyante. Kitang-kita at ramdam ang lungkot sa kanya. Naapektuhan din ang buong paaralan, at napaisip sila kung paano mas matutulungan ang ibang mga estudyanteng maaaring may mga tahimik ding pinagdaraanan.

Kaya naisip naming gawin ang series natin this week na “Finding Hope in God.” Let’s start by reading this verse from the Bible: 

Nawa ang Diyos na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang siya ring magbigay sa inyo ng buong kagalakan at kapayapaan dahil sa inyong pananampalataya sa kanya, upang patuloy na lumago ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu. (Mga Taga-Roma 15:13 ASD)

We don’t want to sound cliché or insensitive to the heaviness of real-life struggles. But this verse reminds us that hope and peace come from the Lord. We hope that as we go through this series, we’ll be encouraged to see His goodness and faithfulness more clearly, despite whatever challenges may come our way. 

Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.