When It Doesn’t Make Sense
Naaalala ko pa noong may pinagdaanan kaming pagsubok bilang pamilya. Hindi kami pinayagang i-adopt ang pangalawang baby na inaalagaan namin. During that time, ang first baby na inaalagaan namin was still going through the adoption process (na ngayon ay pangalawa naming anak), at bawal pagsabayin ang pag-aampon sa kanilang dalawa. Three weeks old pa lang siya noong dumating siya sa aming pamilya, at 2 years and 5 months old naman siya noong ipinasa siya sa adoptive family niya galing ibang bansa.
Ang dami naming tanong kay Lord sa panahong iyon. There were also many things we wrestled with in our hearts and minds regarding what was right. In the end, masakit pa rin talaga ang mapalayo ang isang anak, ang isiping hindi na ito makakasama habambuhay. Pero sa gitna ng lahat ng ito, nakatulong sa amin ang kuwento ni Hannah sa Bible.
Matagal nang baog si Hannah. Humingi siya ng anak sa Panginoon, at nangakong ibabalik niya ito sa Kanya upang maglingkod. Nangyari nga ito (1 Samuel). Pero hindi pala ito guarantee na magiging madali ang kalagayan ng kanyang anak na si Samuel, dahil kahit na ibinigay siya para maglingkod sa Diyos, ang mga pari sa panahong iyon ay mga masasamang tao. Naiisip mo ba na iwan ang iyong anak sa ganitong sitwasyon? Pero si Lord pa rin ang nagbantay kay Samuel, at lumaki siya bilang isang propeta, ang tagapagsalita ng Panginoon.
Can you think of a time that God was bigger than your circumstances? When you were going through something painful, but only later realized that He was actually at work all along? Then, thank Him for it. Mahirap ang mga ganitong panahon, dahil habang nasa gitna tayo ng pagsubok, hindi natin agad nakikita kung ano ang magiging dulo o kung ano ang ginagawa ni Lord sa likod ng lahat ng ito.
Tandaan mo, isa kang miracle!