He Turns Things Around
Mahilig ka ba sa mga suspense na kwento—yung mga unpredictable stories? Nandoon ang thrill, di ba? Yung hindi mo alam kung ano ang mangyayari o kung ano ang ending. Kaya ayaw na ayaw ko sa mga taong nagpo-post ng spoilers ng movies or books. Pero ang panganay kong anak, sometimes he would check the last few pages before deciding whether or not to read a book.
But in real life, it seems that most of us actually want more certainty about the future. Kaya nga ang daming pumupunta sa fortune tellers. Kasi deep inside, we don’t always need all the details, we just want assurance na magiging okay ang lahat sa huli.
Napaisip ako sa kwento ni Joseph sa Bible (mababasa ito sa Genesis 37). Paboritong anak siya ni Jacob, at may labindalawang kapatid na lalaki. Nainggit ang kanyang mga kapatid sa kanya, lalo na dahil sa mga panaginip ni Joseph kung saan siya ay naging pinuno nila.
Dahil sa galit nila, isang araw itinapon nila si Joseph sa isang balon. At nang may dumaan na mga slave traders, ibinenta nila siya at nagsinungaling sa kanilang ama na siya ay inatake ng mabangis na hayop.
Naging alipin si Joseph ng isang opisyal ng hari ng Egypt. Napagbintangan pa siya at nakulong.
Kung titingnan, parang imposible na mangyari ang pangako ng Panginoon sa kanya na siya ay magiging pinuno. But God had a bigger story in mind, and He used Joseph to save the Israelites from several years of famine by making him second-in-command over the whole of Egypt.
Ikaw ba, may naaalala ka bang pangyayari sa buhay mo na kala mo noon ay walang saysay, pero sa huli nakita mong may mas malaking kwentong isinusulat ang Panginoon?
Tandaan mo, isa kang miracle!