• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Hul 16, 2026

The Bigger Story

Publication date Hul 16, 2026

Sa pag-foster namin ng mga bata, dumating ang panahon na napaisip kami tungkol sa mas matatandang bata sa mga orphanage. May mga batang 5–7 years old, at meron ding mga teenagers. Sa pagbabasa namin tungkol sa struggles ng mga abandoned children, naisip naming subukang mag-foster ng mas matatandang kabataan. Alam naming gustong-gusto rin ni Lord na magkaroon sila ng pamilyang magmamahal at mag-aalaga sa kanila (Psalm 68:6).

Kaya nag-umpisa kaming mag-foster ng dalawang bata, 7 at 11 years old. Mas mahirap pala kapag marami nang pinagdaanan ang mga ulilang bata. May mga nakasanayan na silang mga kagawian, and it was more crucial to win their trust and cooperation. Nasa amin sila nang 8 months, at dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari, inilipat sila sa ibang pamilya. 

Nangyari ito ilang linggo lang matapos sunduin ng adoptive parents ang baby na inalagaan namin ng dalawang taon. So, from having five children in the house, we suddenly went back down to two kids. The advice of our mentor was to take a break and process things. Marami kaming tanong kay Lord. Akala namin, kami lang ang sagot sa pagbibigay ng pamilya sa mga ulilang bata. 

Pero ang nangyari pala, while we were on break from fostering, dalawang pamilya sa aming church community ang nagsabi ng “yes” sa fostering at adoption. Isa sa mga pamilyang ito ay nag-foster ng isang baby girl, at ang isa naman ay nag-adopt ng 2-year-old boy. Dito namin nakita na may mas malaking kuwento ang Diyos kaysa sa sarili naming buhay.

May karanasan ka bang may nangyaring masakit at nagalit ka sa Panginoon? Kung meron, huwag kang malungkot, normal lang iyan. Hindi nagagalit si Lord sa iyo dahil doon. Kailangan mo rin bang makita ang bigger story Niya? 

Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.