Going Through Something?
Kapag hindi nangyayari ang gusto mo, ano ang una mong reaksyon? Nagagalit ka ba, naiinis, nalulungkot, o naghahanap ka ng ibang paraan para matupad ito?
May kaibigan kami na halos isang taon nang nakararanas ng matinding pananakit ng likod. Marami na siyang napuntahang doktor at iba’t ibang espesyalista, pero wala pa ring malinaw na solusyon sa kanyang kondisyon. Nagpatingin na rin siya sa psychiatrist upang matulungan sa anxiety na dulot ng patuloy na pananakit. Hanggang ngayon, nahihirapan pa rin silang mag-asawa na harapin ang bawat araw at pag-isipan kung paano makapagtrabaho at magampanan ang mga kinakailangang responsibilidad.
Pareho silang tagasunod ni Jesus, kaya malaking tulong sa kanila ang araw-araw na pag-journal at pakikipag-usap sa Kanya sa panalangin. May mga araw na kaya nilang harapin ang mga pagsubok nang may lakas ng loob, ngunit may mga araw din na kailangan nila ang suporta at panalangin ng pamilya at mga kaibigan.
Minsan iniisip natin na kapag sumunod tayo kay Jesus, mawawala na ang lahat ng ating problema. Ngunit sinabi Niya mismo sa Kanyang mga alagad bago Siya ipinako sa krus:
I have told you these things, so that in me you may have peace. In this world you will have trouble. But take heart! I have overcome the world. (John 16:33 NIV)
Nakikita mo ba? Talagang makakaranas pa rin tayo ng mga problema at pagsubok sa buhay, pero He has overcome the world. This gives us hope that our present circumstances don't have the final word, that there's a bigger story playing out. Isn't that encouraging?
Kung may pinagdadaanan ka ngayon, baka makatulong ang alalahaning may mas malaking plano ang Panginoon. Ikuwento mo sa Kanya ang iyong mga nararamdaman, lumapit ka sa Kanya. Nariyan Siya upang makinig at tumulong sa iyo.
Tandaan mo, isa kang miracle!