Shift Your Focus
May mga araw ba na parang wala kang nakikitang pagbabago sa buhay mo? Yung araw-araw na lang ay routine—paulit-ulit, meaningless, boring?
A few months ago, may kaibigan kaming ang teenage daughter ay na-diagnose ng anxiety-depression. Nirekomenda ng psychiatrist na ipasok siya sa rehab center, but it didn’t work out because she didn't feel safe there. Habang nag-uusap kaming magkaibigan kung paano sila matutulungan, may isa kaming may isa rin kaming kasamang nanay na nakakaranas din ng anxiety at depression.
She shared with us that during her own bouts of anxiety and depression, what helped her the most was shifting her focus away from herself and towards helping others. Nakita niyang ito ang naging pinaka-effective na paraan para mas makayanan niya ang kanyang pinagdadaanan.
Hindi namin sinasabi na iyon ang sagot sa lahat ng dumaranas ng anxiety at depression. Pero napaisip ako sa sinabi ng kaibigang iyon, dahil minsan kapag nababago ang focus natin mula sa sarili papunta sa kung paano tayo tutulong sa iba at sa mas malaking ginagawa ng Diyos, nag-iiba rin ang pananaw natin sa mga pinagdadaanan natin.
Ito siguro ang ibig sabihin ng nakasulat na ito sa Bible:
“The generous will prosper; those who refresh others will themselves be refreshed.” (Proverbs 11:25 NLT)
When was the last time you asked Him about His bigger story? Baka makatulong kung itanong mo ito sa Kanya sa panalangin. Pwede mo itong dasalin, “Lord, ano po ang bigger story Mo sa buhay ko? Paano ako makakabahagi dito at makakatulong sa iba? Turuan Mo po ako.” In Jesus’ name, amen.
Kung may pumasok sa isip mo, isulat mo ito sa iyong journal. Pwede mo rin itong i-share sa amin sa pamamagitan ng email, at pag-usapan kasama ang mga e-coaches natin.
Tandaan mo, isa kang miracle!