• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Hul 22, 2026

What’s in Your Hands?

Publication date Hul 22, 2026

Marami bang nagpapayo sa’yo kung ano ang dapat mong gawin? Madalas nating iniisip na para makagawa ng malaking impact, kailangan natin ng pambihirang talento o kakaibang kakayahan. Pero paano kung ang kailangan lang pala ay maging tapat sa ating strengths and limitations, dahil madalas doon tayo mas nagiging effective and creative.

While creating resources to help people, nakaranas din akong makatanggap ng iba't ibang payo. Mahilig akong magsulat at gumawa ng mga materials na makakatulong sa iba, gaya ng homeschool resources at iba pang babasahin. Noong nagsisimula pa lang ako, marami akong well-meaning friends na nag-suggest na mag-focus ako sa video creation dahil iyon ang mas uso at mas marami raw ang matutulungan.  

Nakinig naman ako, at ginawa ko rin ito. Pero nakita kong hindi pala doon ang strength at gifting ko. It’s not sourgraping, but simply being aware of my own strengths and limitations, at pagiging faithful sa mga ipinagkatiwala sa akin ng Panginoon. Ipinakita Niya sa akin ang mga pagkakataong nagamit Niya ang pagsusulat ko para makatulong sa iba, at maging sa sarili kong healing and growth. Doon nagsimula ang mas malalim kong pag-appreciate sa kaloob Niyang ito.

Since then, I have chosen to focus on what I believe are my five smooth stones from the Lord: the gifts of writing and creating resources that can help others. 

Ano kaya ang 5 smooth stones (1 Samuel 17:40) sa buhay mo, mga bagay na nakita mong ginamit ng Panginoon para tulungan ka at ang iba? Maybe He is calling you now to be faithful and to hone that gift. We believe you have specific strengths and gifts that He can use if you let Him.

Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.