Facing Your Giant
Ano kaya ang dahilan kung bakit madalas nating isipin na ang mas malaki at mas malakas ang siguradong mananalo? Ano ba ang tingin mo sa maliliit na bagay?
Parang ganito rin ang nangyari sa kwento nina David at Goliath sa Bible. Kung ikaw siguro ang nandoon at nakita mo ang isang napakalaking mandirigma na walang kinatatakutan, malamang iisipin mo rin na wala nang pag-asa. Na siguradong ito ang mananalo dahil mas malaki at mas malakas ito sa lahat.
Pero si David, lumapit sa hari at nagsabing siya ang makikipaglaban sa higante. Hindi makapaniwala ang hari, pero sa huli, pumayag din siya. Ipinasuot at ipinagamit ni King Saul kay David ang sarili niyang mga gamit—armor, helmet, sword, clearly the kinds of weapons that most people would think would give David the best chance of winning against the giant.
Pero nabigatan si David sa armor ni King Saul, kaya tinanggal niya ito. Hindi rin siya sanay gumamit ng espada at iba pang sandata. Instead, he chose to use his sling—a weapon he had already used before against the lions and bears that attacked his sheep, and one that he had seen God use to help him in the past. Pagkatapos nito, pumunta siya sa ilog at pumili ng limang makikinis na bato. (1 Samuel 17:40)
Ito ang tanong namin sa iyo. Ano ba ang nasa kamay mong bigay na ng Panginoon sa iyo para harapin ang mga problema—something He has already used to help you in the past? Perhaps He would like to use it again in your current situation.
Tandaan mo, isa kang miracle!