Small Doesn’t Mean Weak
Alam mo ba ang isang prinsipyo sa negosyo na makikita sa ilang matagumpay na negosyante especially sa mga Chinese? Yung maliit na tubo sa bawat produkto, pero tuloy-tuloy ang pagbebenta at serbisyo araw-araw. Sa paglipas ng panahon, ang maliit pero tuloy-tuloy na kita, kapag pinagsama sa sipag at tamang paghawak ng negosyo, ay lumalaki at nagiging matatag na kabuhayan. With consistency and faithfulness in their work, these business people are known to be some of the wealthiest in our country.
When was the last time you saw God use something small? Most of the time, we tend to believe that something has to be big in order to be useful or to succeed.
Parang sa kwento ni David, na isang batang lalaki lamang pero nagawang talunin ang higanteng si Goliath. At hindi lang iyon, ang ginamit pa niya ay limang makikinis na bato lang at ang kanyang sling o tirador.
Before David killed the giant, David said something very memorable:
You come to me with sword, spear, and javelin, but I come to you in the name of the Lord of Heaven’s Armies. (1 Samuel 17:45 NLT)
Hindi ba’t ito naman talaga ang mahalaga—na ginagawa natin ang lahat nang kasama ang Panginoon?
This reminds us of what the Bible says:
"But God chose the foolish things of the world to shame the wise; God chose the weak things of the world to shame the strong” (1 Corinthians 1:27 NIV)
Ito din ang nangyari noong namatay si Jesus sa cross. Ang mukhang walang silbi, ginamit ng Panginoon para iligtas ang buong mundo.
Sa buhay mo ngayon, ano kaya ang mga bagay na sa tingin ng mundo ay maliliit at walang silbi—ang “5 smooth stones” mo kumbaga, na pwedeng gamitin ng Panginoon para sa malalaking bagay? Tanungin mo Siya sa prayer, and we are sure He will show you in His perfect time.
Tandaan mo, isa kang miracle!