• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Hul 24, 2026

Small Things, Big Impact

Publication date Hul 24, 2026

May nabasa akong kwento online tungkol sa ginawa ng mga Girl Scouts noong World War I. Sa panahong iyon, maraming mga sundalo ang namatay dahil sa chemical warfare. As scientists searched for ways to protect them, they discovered something surprising: one of the most effective materials to put in gas masks was charcoal made from certain fruit seeds, such as peach pits. But they need at least 200 peach pits to have enough charcoal to fit into one gas mask!

Eto ang nakakatuwa, mga batang Girl Scouts, na nasa edad 7 to 9 years old pa lang, ang kumilos para tumulong. Umikot sila sa buong bayan,at kumatok sa mga bahay para humingi ng mga buto mula sa prutas na kanilang kinakain. Imagine that. Sa murang edad nila, hindi sila lumaban sa digmaan o gumawa ng gas masks. Nangolekta lang sila ng mga buto na itinatapon lang. But can you imagine the impact of collecting these peach pits with the thought that they might save even just ONE person from poisonous gases?

Hindi ba't ang gandang halimbawa nito ng “5 smooth stones” (1 Samuel 17:40) na ginamit ni David sa pakikipaglaban kay Goliath? Kahit napakaliit pala nito, maaari pa rin silang gamitin ni Lord para gawin ang Kanyang nais.

Kailan ba ang huling pagkakataon na nakita mong ginamit ng Panginoon ang isang bagay na maliit sa buhay mo para sa isang malaking layunin? Ano kaya ang mga "5 smooth stones" na nasa iyo ngayon? Maaaring ito ay isang simpleng talento, skill, pagkakataon, o kahit maliit na kabutihang magagawa mo para sa iba.

Pwede mong i-journal ito, o pwede mong dasalin ito: “Lord, turuan Mo ako kung paano Mo magagamit ang mga maliliit na bagay sa buhay ko to build Your Kingdom. I want to partner with You. In Jesus’ name, amen.” 

Tandaan mo, isa kang miracle. 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.