What If Prayer Is Enough?
Kapag may pinagdadaanan ang ating loved ones, ano ba ang ginagawa mo? Tingin ko, natural lang na gusto nating nariyan para sa kanila—to comfort them, help them, and find ways to ease their pain.
Pero paano kung hindi natin kayang ayusin ang situation? Paano kung hindi tayo makasama? Ano ang pwede nating gawin?
May isang bagay na nangyari sa pamilya namin na baka relatable din sa ibang parents.
Noong bata pa ang panganay naming anak, isang araw, umalis siya ng bahay nang hindi nagpapaalam. Hindi naman siya naglayas—nag-iwan pa nga siya ng sulat kung saan siya pupunta at kung kailan siya babalik. Pero dahil bata pa siya at alam naming may panganib sa lugar na pinuntahan niya, hinabol at hinanap namin siya.
Sa ganitong pagkakataon, ano ba ang pwedeng gawin ng isang magulang?
Ginawa namin ang lahat ng kaya namin. Naghanap kami at humingi ng tulong sa iba. Pero habang patuloy silang naghahanap, naiwan naman ako sa bahay. At wala na akong ibang magawa kundi tumawag kay Lord. (Psalm 50:15)
At salamat sa Diyos, happy ending ang kwento namin. Nahanap namin siya at nakauwi siyang ligtas. Simula noon, mas naging intentional kami in building a heart connection with our kids, so they always know they can turn to us when they need anything, instead of acting on their own without our knowledge.
Isn’t it encouraging to know that even when we can’t always reach our family members, our prayers can reach them? Anong mga bagay ang pinagdadaanan ng pamilya mo na kailangan mo ang tulong ni Lord? You can bring these to Him through prayer.
Tandaan mo, isa kang miracle!