• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
    • VI Vietnamese
Publication date Set 10, 2026

HE Is With Your Family

Publication date Set 10, 2026

Masasabi mo bang tried and tested na ang faith mo? Dumaan ka na ba sa pagsubok at napatunayan mong kumapit ka pa rin sa Panginoon? 

Sa Bible, makikita natin na hindi naman naging easy ang buhay ng mga taong malalim ang faith.

Tingnan mo si Daniel. Alam ni Daniel na may kapalit ang pananalangin niya. Pwedeng buhay niya ang mawala. Pero kahit alam niyang may nagmamasid, nagpatuloy pa rin siyang manalangin. Dahil doon, nahuli siya at itinapon sa kulungan ng mga leon. Imagine mo iyon—alam niyang delikado, pero pinili pa rin niyang kumapit sa Diyos.

Si Joseph naman, ipinagbili ng sarili niyang mga kapatid bilang alipin. Naging alipin siya sa Egypt, napagbintangan, at nakulong. Pero hindi niya binitawan ang Panginoon. At sa huli, siya ay naging mahalagang lider sa Egypt. 

Makikita natin na hindi automatic na problem-free ang buhay kapag sumusunod tayo sa Diyos. Pero sa bawat struggle, nandoon ang Diyos—and that made all the difference. 

Ganoon din sa pamilya natin. Hindi man alisin ni Jesus ang bawat problema, pwede tayong magtiwala na may ginagawa Siya sa gitna nito. Just as He used difficult situations to help people in the Bible grow in maturity, ganoon din ang gusto Niyang mangyari sa atin at sa ating mga pamilya.  

Ano ba ang pwede nating ipanalangin sa mga ganitong panahon? Pwede nating sundin ito:

Mga kapatid, magalak kayo sa tuwing dumaranas kayo ng ibaʼt ibang uri ng pagsubok, sapagkat alam ninyong ang pagsubok ng inyong pananampalataya ay nagdudulot ng katatagan. Kaya dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang maging ganap at walang anumang pagkukulang ang buhay ninyo. (Santiago 1:2-4 ASD

Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.