What Are You Hiding?
Have you ever avoided someone because you knew you had done something wrong? Maybe you said something you wish you could take back. Or maybe you forgot to keep a promise.
Imbes na lumapit, ang instinct natin ay umiwas. Minsan, nahihiya tayo. O nahihirapan ka bang bumangon ulit at maging okay pagkatapos?
Ganyan din ako noon. Kapag may nagagawa akong kasalanan, matagal bago ako makabalik sa normal. Paulit-ulit kong iniisip ang nangyari, at matagal bago ako magkaroon ulit ng confidence na lumapit sa taong nasaktan ko.
But the more I got to know Jesus and His unfailing love for me, mas natututo akong lumapit sa Kanya—even when things are not yet fully okay.
Hindi lang tayo ang nakakaranas nito. Sa Bible, matapos magkasala sina Adam at Eve, nagtago sila sa Diyos. (Genesis 3) Si Martha naman, nang mapuno siya ng frustration at pagod, nagreklamo kay Jesus. At si Job, sa gitna ng matinding paghihirap, paulit-ulit na nagtanong sa Diyos.
Pero may isang bagay na pare-pareho sa lahat ng kwentong ito. Hindi sila iniwan ng Diyos. Lumapit pa rin Siya sa kanila. Hinanap Niya sina Adam at Eve sa hardin. Kinausap Niya si Martha nang may pagmamahal. At nanatili Siya kay Job kahit sa gitna ng kanyang mga tanong.
And this is the good news: Ganito rin ang Diyos sa atin ngayon. He never waits for you to become calm before welcoming you. He meets you right in the middle of your guilt, confusion, and fears..
May bahagi ba ng buhay mo na itinatago mo ngayon sa Diyos? Remember, healing often begins not when we stop struggling, but when we stop hiding.
This is our invitation to you today: Bring one fear honestly to God. No perfect words. No polished prayers. Just an honest heart.”
Tandaan mo, isa kang miracle!