Are Those Thoughts True?
Have you ever noticed how one anxious thought can quickly turn into a whole story? Before you know it, your mind starts filling in the blanks.
Anxiety creates stories.. “Nobody cares about me.” “I’m all alone.” “Everything depends on me.”
Ganito rin ang nangyari kay Martha. Kahapon, napag-usapan natin ang kuwento ni Martha (Luke 10:38-42). Habang si Mary ay nakaupo sa paanan ni Jesus at nakikinig sa Kanya, si Martha naman ay abalang-abala sa paghahanda ng pagkain para kay Jesus at sa Kanyang mga kasama.
Hindi madali ang ginagawa ni Martha. Wala pang microwave, oven, o gas stove noon. Lahat ng paghahanda at pagluluto—from kneading the dough to preparing the fire for cooking stews—siya mismo ang gumagawa.
Isipin mo, kailangan niyang maghanda para kay Jesus at sa marami Niyang kasama. At alam mo naman kung paano kumain ang isang dosenang lalaking kasama ni Jesus! Kaya hindi nakapagtatakang nagsimula siyang mag-isip: Paano kung hindi ko magawa ang lahat? Paano kung hindi ko maihanda nang maayos ang pagkain? Paano kung hindi ko mapakain nang husto si Jesus, na Siya pang labis kong hinahangaan?
Habang lumalakas ang kanyang anxiety, tila naniwala na rin si Martha sa mga kwentong binubuo nito. Siguro naisip niya, "Ako lang ang gumagawa ng lahat." "Parang walang nakakapansin ng pagod ko." "Walang pakialam si Jesus sa pinagdadaanan ko." Hanggang sa hindi na niya makita nang malinaw kung sino talaga si Jesus.
Ganito rin tayo minsan. Ang galing ng mga isip natin sa pagiging storytellers, but poor truth-tellers. Kaya inaanyayahan tayo ni Jesus na huwag agad paniwalaan ang bawat anxious thought. Instead, be curious. Ask yourself, "Is this really true?" Sometimes, grace enters our hearts through honest curiosity.
Today, write down one anxious thought that’s been weighing on your heart. Then bring it to Jesus and ask Him, “Lord, what is actually true?”
Tandaan mo, isa kang miracle!