want strong friendships? It’s literally a two-way street? 🤗
Sino ba ang ride-or-die mong friend or friends? Sabi nga, sino ba ang bestfriend mo? Do you still remember kung paano kayo nagkakilala at naging super close? Sure ako, hindi ito nangyari biglaan. Totoo, minsan, sa first meet pa lang, alam at ramdam mo na same vibes kayo. Pero ang true friendship, mas lalong lumalalim while you spend more time together.
This week, our series is entitled, “Getting to Know Jesus is a Journey.” Sa tingin namin, mahalaga na malaman nating hindi ito automatic. When we become followers of Jesus, hindi tayo agad-agad nagiging perpekto o biglang nagbagong sa lahat ng ating ginagawa. The more accurate picture is, it’s a journey—a lifelong journey, to be more precise.
Let’s read this verse:
Kung lalapit kayo sa akin nang buong puso, tutulungan ko kayo. Oo, matatagpuan ko kayo,’ sabi ng Panginoon, ‘at ibabalik mula sa pagkakabihag. (Jeremias 29:13-14 ASD)
Nakikita mo ba? Sabi ng Panginoon, kung lalapit tayo sa Kanya, tutulungan Niya tayo. Dito natin makikitang we have a role to play, and He will definitely respond. Yes, we love Him because He first loved us (1 John 4:19), so we know that He made the first move in giving His life for us, but it’s a two-way street. At gaya ng lahat ng pagkakaibigan, hindi lumalalim ang friendship unless both parties invest time, energy, and effort into it.
Ikaw ba, ano ba ang pwede mong gawin this week para mas lumapit kay God? Baka maisipan mong mag-set aside ng time in the mornings to pray, sing a song to Him, or talk to Him through journaling. Let us know what actions you plan to take!
Tandaan mo, isa kang miracle!