• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Mar 10, 2026

the next step is here…are you in for the journey?🥳

Publication date Mar 10, 2026

Sabi ng iba, kapag naging tagasunod ka ni Jesus, magiging smooth, mapayapa, at masagana ang buhay mo, na wala nang pagdadaanang hirap o wala ka nang kailangang matutunan pa kundi manalig lang sa Kanya. Oppss… mali yan. Alam mo ba na this is not Biblically accurate?

In the Bible, we can see that people’s relationship with God grows over time. For example, ang kwento nina Abraham at ng anak niyang si Isaac (mababasa ito simula sa Genesis 12). Makikita sa simula na mahina ang kanilang pananalig sa Panginoon, at nagsinungaling pa sila sa mga haring nakasalubong nila dahil takot silang patayin. Taun-taon, lumago ang kanilang pananampalataya at ang kanilang relasyon sa Panginoon.

Ipinakita rin noong bata pa si Joseph na hindi pa siya marunong makisama sa kanyang mga kapatid. Lumipas ang ilang dekada, at mas nakilala niya ang Panginoon, Dahil dito, nakaya niyang patawarin ang kanyang mga kapatid na nagbenta sa kanya upang maging alipin sa Egypt. (Makikita ito sa Genesis 50:20.) 

So what’s our point? It’s this—the title of our series this week: ‘Getting to Know Jesus is a Journey.’ Kaya OK na OK lang kung pakiramdam mo minsan parang wala pang nagbabago sa buhay mo. Basahin mo itong nakasulat sa Bible:

Nakatitiyak akong ipagpapatuloy ng Diyos ang mabuting gawain na sinimulan niya sa inyo hanggang sa araw ng pagbabalik ni Kristo Hesus. (Mga Taga-Filipos 1:6 ASD)

Nakikita mo ba? Ang mga sinimulan Niya sa buhay natin ay siguradong Kanyang tatapusin. Kaya huwag kang mag-alala, because knowing Him and growing in our faith is a journey. 

Kaya we’d also like to invite you to check out the MyJourney courses. Through this course, we hope you can continue getting to know Him a little bit more every day.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.