no joke—you can actually walk with Him! 🥰
Ever tried searching for something you really wanted? Like ‘yung best phone or gadget deal, or the perfect fit for your outfit for an important event. Hindi ba kahit gaano katagal, tinitiis mo para lang makuha ang pinakagusto mo—ang ultimate goal mo?
Alam mo ba na ang paghahanap na ito ay puwede ring maging paglalarawan ng pagkilala natin kay Jesus? In our series this week, ‘Getting to Know Jesus is a Journey,’ we want to see that our faith in Him grows as part of a journey, not as a one-time event.
Let’s start by reading this verse from the Bible:
Minamahal ko ang mga nagmamahal sa akin;makikita ako ng mga naghahanap sa akin. (Kawikaan 8:17 ASD)
Ang gandang pangako nito, ‘di ba? Na kapag hinahanap natin Siya, talagang makikita natin Siya. At ang pagkilala natin sa Kanya ay hindi nangyari nang isang beses lang; nangyayari ito as we walk with Him, as we learn to walk by the light of His ways, as we can see from this next verse:
Ang salita ninyo ay ilaw sa aking paanan, nagbibigay-liwanag sa aking daraanan. (Salmo 119:105 ASD).
Hindi ba’t kaygandang isipin na parang ilaw ang Salita Niya sa ating pinagdadaanan? Ibig sabihin, kahit madilim pa ang daan natin, o kahit wala tayong nakikitang kakayanan sa sarili, pwede Niya tayong bigyang-ilaw at gabayan sa ating patutunguhan.
Imagine this: you’re standing in the middle of a dark road with a lamp in your hand. You don’t see the end of the road, but you can see the next steps to take. This is a wonderful picture of how our walk with Him is a daily, step-by-step journey of faith.
Tandaan mo, isa kang miracle!