do you want to know Him more…like for real? 🤯
Familiar ka ba sa kantang ‘Kahit Maputi na ang Buhok Ko’? Isa itong napakatamis na love song that talks about love that lasts—perfect na background music para sa wedding vows na ‘for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, till death do us part.’ Pero siguro nakarinig ka na rin ng iba na nagsasabing pagkatapos ng honeymoon stage, downhill na raw ang lahat sa kasal. Hindi ito totoo, dahil ang pag-aasawa ay maaaring maging mas masarap at mas masaya sa paglipas ng panahon, habang patuloy nating nakikilala ang isa’t isa.
Hindi tungkol sa pag-aasawa ang focus ng series natin this week, but we want to use it as an illustration of how we get to know Jesus more and more each passing day. Ito ang dahilan kung bakit patuloy tayong nagbabasa ng Bible at nananalangin sa Kanya, at hindi ito nangyayari sa isang saglit lang.
At ang maganda pa rito, napakarami pa tayong hindi nakikita at hindi alam tungkol sa Kanya, kaya walang katapusan ang pagkilala natin sa Kanya(e.g. check out Philippians 3:10). May bahagi sa sikat na awiting Amazing Grace na maglalarawan ng katotohanang ito:
When we've been there ten thousand years,Bright shining as the sun,We've no less days to sing God's praiseThan when we'd first begun.
Ikaw ba, are you already on the journey of getting to know Jesus? Kung hindi pa at gusto mong magsimula, may we recommend our MyJourney courses? You can begin getting to know Jesus through The Chosen film series and by taking this course. If you decide to try it out, feel free to get in touch with us, and one of our e-coaches will be happy to connect with you.
Tandaan mo, isa kang miracle!