don’t walk through anxiety alone—walk with Him! 🤗
We hope this series has been helpful for you. Let’s review some of the principles we learned in “Anxiety: A Biblical View (It’s Not What You Think!).”
Una, na mahalagang alamin natin kung ano ang ating nararamdaman at aminin ito. Hindi natin dapat binabalewala ang anxiety. Dahil sa Bible, especially sa Psalms, makikita nating tinuturuan ng Panginoon ang mga tauhan Niya na alamin ang kanilang nararamdaman at dalhin ito sa Kanya.
Pangalawa, mahalagang matuto tayong lumapit sa Kanya at dalhin ang mga mabibigat na emosyon at mga tanong sa ating isipan. Makakatulong din ito, because anxiety is related to uncertainty and the fear of not knowing what’s going to happen. At si Lord ang isang Taong hinding-hindi magbabago, kaya pwede tayong manalig sa Kanya. Here are some verses to help you with this truth:
Magpakatatag kayo at magpakatapang. Huwag kayong matatakot sa kanila dahil ang Panginoon na inyong Diyos ay kasama ninyo; hindi niya kayo iiwan o pababayaan man.” (Deuteronomio 31:6 ASD)
Pangungunahan ka ng Panginoon at sasamahan ka niya; hindi ka niya iiwan o pababayaan man. Kaya huwag kang matakot ni panghinaan ng loob.” (Deuteronomio 31:8 ASD)
Pangatlo, gamitin ang buong katawan sa paggalaw to help manage anxiety. It’s clear in the Bible that the Lord treats us as a whole being: body, soul, and spirit, and we don’t only focus on the spiritual or mental side of things, but we understand that He gave us a physical body that also affects our mind and emotions. Naumpisahan mo ba ang gumalaw? Ano ang pinili mong gawin? Uy, ikuwento mo naman sa amin by e-mailing our e-coaches!
Again, even as we close this series, we look forward to continuing this journey with you. Tandaan mo, isa kang miracle!