The God of Peace
When was the last time you truly felt at peace?
Do you picture a quiet beach like Boracay, listening to the gentle sound of the waves, with nothing to bother you as you sit and read your favorite book? Or maybe it's a place where everything feels still—no pressure, no overthinking, no noise. Is that what "peace" looks like to you?
Naaalala ko ang parents ko noong bata pa ako. Negosyante sila, kaya ang bakasyon ang naging pagkakataon nila para sana makapagpahinga. Pero kahit nasa ibang lugar kami, parang hindi rin sila tuluyang nakakapag-relax. Maya't maya, may tatawag tungkol sa negosyo. At kung walang tumatawag, ang papa ko naman ang tatawag sa tindahan para siguraduhing maayos ang lahat. (Panahon pa iyon ng landline, kaya long-distance calls talaga!)
Doon ko na-realize na hindi pala sapat ang pagbabago ng lugar para magkaroon ng tunay na kapayapaan. Because if our worries travel with us, even the most beautiful destination can't quiet our hearts.
Mas ramdam natin ito ngayon. Hindi na natin kailangang maghintay ng tawag sa landline. Isang notification lang, isang message, o isang post sa social media, pwede nang mawala ang peace na nararamdaman natin.
Pero may good news!
Kapag tiningnan natin ang Bible, hindi lang peace ang ipinapangako ng Diyos. Mas higit pa roon. Ang ipinapangako Niya ay ang Kanyang presensya bilang the God of peace (Philippians 4:9).
Napakalaking kaibahan nito. That means peace isn’t simply the absence of problems; it’s having God’s presence walking beside us through them. You may still have unanswered questions, but you never have to walk alone.
Today, let this be your prayer:
“Jesus, salamat at naglalakad Ka kasama ko, even in the places where I am still longing for healing.”
Tandaan mo, isa kang miracle!