• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
    • VI Vietnamese
Publication date Ago 30, 2026

Come to Him First

Publication date Ago 30, 2026

Isipin mo ito. Naglalakad ka sa mall o sa kalsada, tapos bigla kang may nakasalubong na kaibigan. Ngumiti siya at tinanong ka, "Uy, kumusta ka na?"

Ano ang madalas mong isagot? Marami sa atin, ang bilis sumagot ng, "Eto, busy." Parang automatic na, 'di ba? Minsan nga, parang badge of honor pa ang pagiging busy. Kapag puno ang schedule natin, feeling natin productive tayo at may nagagawa tayong mahalaga. Of course, sometimes we really are busy doing things that are a blessing to other people. 

Pero may isa pang klase ng busy.

Yung kahit buong araw kang kumikilos, pag-uwi mo, parang may kulang pa rin. Pagod ang katawan, pero mas pagod ang puso. Marami kang natapos, pero parang wala kang tunay na naipon sa loob mo.

Kung naranasan mo na iyon, hindi ka nag-iisa. Welcome to our series this week entitled, "Busy Pero Empty?"

Sa Bible, may isang babaeng siguradong makaka-relate tayo—si Martha. Mababasa natin ang kuwento niya sa Luke 10. Mahal na mahal ni Martha si Jesus. Hindi siya nagsilbi dahil napilitan siya. Nagsilbi siya dahil gusto niyang ibigay ang best niya para sa Panginoon.

Habang naghahanda siya ng pagkain at inaasikaso ang lahat, may unti-unting nangyari sa puso niya. Abala pa rin ang mga kamay niya, pero nawawala na ang kapayapaan at kasiyahan niya.

Does it sound familiar? Minsan ganito rin tayo. Nagsimula sa magandang intensyon, naging abala tayo sa trabaho, pamilya, ministry, at responsibilities. Pero habang tumatagal, parang nauubos ang lakas natin.

Jesus never said that Martha's service was wrong. What He gently pointed out was that her heart had become anxious and overwhelmed, making it difficult for her to serve with peace. At dahil dito, inimbitahan Niya si Martha na bumalik sa Kanyang presensya. 

Ganito rin sa buhay natin. Bago tayo magbigay sa iba, kailangan muna nating tumanggap mula kay Jesus.

Today, this is our invitation to you: before you start your day, spend a few quiet moments with Jesus. Hayaan mong punuin Niya ang puso mo ng Kanyang pagmamahal bago ka muling magbuhos nito sa iba.

Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.