Serve Out of Love
Kapag bukal sa loob mo ang pagtulong o paggawa ng isang bagay, ang gaan sa pakiramdam. You do it because you want to, not because you feel forced to. Pero kapag napipilitan ka, iba ang dating—nakakapagod, nakakasawa, at minsan, parang ang bigat-bigat.
Have you ever wanted to do something until someone told you that you had to do it?
Isa ito sa mga napansin ko tungkol sa sarili ko: ayaw na ayaw kong gumawa ng isang bagay kapag pakiramdam ko, napipilitan lang ako. Kahit gusto ko pa ito noong una, kapag may pumipilit sa akin, parang bigla akong nawawalan ng gana. Minsan, gagawin ko pa ang lahat, maghahanap ng dahilan, magpapaliban, o iiwas—para lang hindi ko gawin ang bagay na ipinipilit sa akin.
At bakit ko nga ba ito naikuwento? Kasi ayaw naman nating nag-aabala at gumagawa ng isang bagay, pero sa huli, wala rin namang patutunguhan. Sayang ang oras, pagod, at effort, ’di ba?
Naalala ko tuloy ang kuwento nina Mary at Martha sa Luke 10:38-42. Abala si Martha sa paghahanda para kay Jesus at sa mga kasama Niya, habang si Mary ay nakaupo sa paanan ni Jesus at nakikinig sa Kaniya.
Kaya nainis si Martha. Parang ang nasa isip niya, “Lord, hindi Mo ba nakikita? Ako na lang ang gumagawa dito!” Kaya sinabi niya, “Wala Ka bang pakialam na mag-isa akong nagtatrabaho dito? Pagsabihan Mo nga ang kapatid ko na tulungan ako!”
Jesus did not tell Martha to stop serving. But He did call Martha’s attention by saying, “You are distracted by much serving.” Perhaps what He wanted Martha to let go of was not the serving itself, but the way she seemed to be striving so hard to please.
Magkaiba ang serving at striving.
Striving is when you serve, pero puno ka ng pressure, takot, o pakiramdam na kailangan mong patunayan ang sarili mo. Serving, on the other hand, flows from a heart that is secure in Jesus’ love.
Let’s pause and think about this:
Jesus is not asking you to stop serving. He is inviting you to stop striving.
Mary served too. But her service was an overflow of love, not obligation. Kapag alam mong mahal ka ni Jesus, hindi mo na kailangang patunayan ang halaga mo sa pamamagitan ng pagiging sobrang abala.
Tandaan mo, isa kang miracle!