• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
    • VI Vietnamese
Publication date Set 3, 2026

Mabilis kumilos, Mabagal Makinig

Publication date Set 3, 2026

May kilala ka bang tao na kapag may kailangang gawin, siya agad ang kumikilos? Madalas, ganito ang mga panganay—lalo na ang mga panganay na babae. Sila kasi ang nagiging katuwang ng mga magulang sa pag-aalaga sa mga nakababatang kapatid at sa mga gawaing-bahay. 

Sa maraming pamilyang Pinoy, hindi lang simpleng pagtulong ang inaasahan sa mga nakatatandang anak. Minsan, kasama rin dito ang pagtulong sa pag-aaral ng mga nakababatang kapatid at iba pang pangangailangan ng pamilya.

Isa rin ito sa mga napansin kong ugali ng iba kong kaibigan na may mga nakababatang kapatid. Buong buhay na sanay kaming maghanap ng solusyon sa mga problema, at kadalasan, hindi kami marunong humingi ng tulong. Of course, hindi ito exclusive sa mga panganay lang. Marami sa atin ang ganito. We’re so used to taking action right away. Hindi naman mali iyon. Pero minsan, bago tayo kumilos, mas makakatulong din pala ang huminto muna, manahimik, at makinig kay Lord.

Ganito rin ang makikita natin sa kwento nina Martha at Mary sa Luke 10:38–42

They both loved Jesus. Martha was the eldest in the family, and true to what many would expect from the responsible older child, she was the one busy in the kitchen, preparing and serving Jesus and His disciples. Mary, on the other hand, chose a simple but meaningful thing to do: she sat at Jesus’ feet. She listened. She received from Him.

At alam mo ba? Makalipas ang ilang linggo, si Mary rin ang nagbuhos ng mamahaling pabango sa paanan ni Jesus. Kaya hindi natin masasabing kulang ang pagmamahal niya. Pero bago niya nagawa ito, natuto muna siyang makinig.

Madalas gusto nating kumilos agad, magdesisyon agad, o ayusin agad ang lahat. But Jesus invites us to slow down. Makinig muna bago magsalita. Maghintay muna bago magdesisyon. Kapag natutuo tayong makinig sa Panginoon, mas nagiging malinaw ang direksyon natin.

Dahil ang pusong marunong makinig ay pusong mas handang sumunod. 

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.