Urgent or Important?
Naka-on ba ang notifications sa phone mo? Yung tipong kapag may pumasok na message, gusto mo agad itong makita at masagot?
Sa pamilya namin, napansin namin na pareho kami ng panganay naming anak. Kapag nabuksan na namin ang isang chat, parang automatic na kailangan naming mag-reply. Ayaw naming isipin ng kabilang panig na ini-ignore namin sila.
Siguro may mga pagkakataon ding ganoon ka. Isang notification lang, napuputol na ang ginagawa mo. Pagkatapos noon, may bagong email. May chat sa group. May tumatawag. May deadline. May bill na kailangang bayaran. May family concern. May humihingi ng tulong. Parang halos lahat ay urgent. Anytime, anywhere, pwede tayong ma-contact. Hindi na nakapagtataka kung bakit tinatawag ang henerasyon ngayon na "The Anxious Generation."
Pero sa gitna ng lahat ng ingay na iyon, may isang boses na tahimik ngunit malinaw. Ang boses ni Jesus. Sa Luke 10:42, sinabi Niya kay Martha: "One thing is essential."
Sinabi Niya ito habang si Martha ay abalang-abala sa paghahanda at sa napakaraming kailangang gawin. Hindi sinabi ni Jesus na mali ang ginagawa ni Martha.Pero mas mahalaga ang paglalaan ng oras sa Kanyang presensya. Ang hapunang inihanda ni Martha ay natapos din. Pero ang mga natutunan ni Mary habang nakaupo sa paanan ni Jesus ay dala niya habang buhay.
Ganoon din sa buhay natin. Kapag inuuna natin si Jesus, nagkakaroon ng tamang lugar ang lahat ng iba pang bagay. Kaya ito ang challenge namin sa'yo today. Bago ka mag-react sa bawat notification, deadline, o pressure, huminto muna sandali at itanong:
“Lord, ano ba talaga ang pinaka-essential sa araw na ito? Turuan Mo akong unahin ang pinakamahalaga—Ikaw. At mula roon, tulungan Mo akong gawin ang lahat ng iba pang bagay. In Jesus' name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!