• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date May 3, 2026

Searching for Peace? Read This…😇

Publication date May 3, 2026

May prayer book ako noong bata pa ako, binili ito ng mama ko, at gabi-gabi ko talagang binabasa ang mga nakasulat na prayers doon. After ko magbasa, dinadagdagan ko pa iyon ng sarili kong panalangin, asking for blessings para sa family at loved ones ko. Minsan nga, nakakatulog na lang ako sa sobrang haba. Ilang taon din ang lumipas bago ko na-realize na hindi naman pala kailangang paulit-ulit lang palagi ang panalangin.

Honestly, kapag naririnig ng karamihan ang “prayer,” ito agad ang naiisip, mga memorized na dasal, paulit-ulit, at malalalim na words na kadalasang ginagamit ng matatanda. Para tuloy nagiging intimidating siya or feeling mo may tamang format na kailangan sundin. Ikaw, what comes to your mind when you hear the word “prayer”?

We’re starting a new series this week called, “Finding Peace Through Prayer.” Naniniwala kaming napakahalaga ng pananalangin, hindi bilang routine lang, kundi upang mas makilala natin ang Panginoon. And the beautiful part, sa pagdarasal, nakakahanap tayo ng tunay na kaginhawaan.  

Let’s start with this verse today:

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. (Mateo 11:28 ASD)” 

Nakikita mo ba? This is the most important foundation of prayer: that we use it to draw near to God. At ang ganda ng promise Niya: habang lumalapit tayo sa Kanya, bibigyan Niya tayo ng kapahingahan. Kaya ito ang tandaan natin kapag naisip ang pananalangin. More than an obligation, ito ay isang paraan upang makalapit tayo sa Kanya and receive His comfort, peace, and healing. Hindi ba ang galing? 

Today, let’s start by praying this, “Lord, turuan Mo akong lumapit sa Iyo through prayer. As we learn about prayer this week, tulungan Mo akong makapag-umpisa o makapagpatuloy sa pakikipag-usap sa Iyo. In Jesus’ name, amen.”  

Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.