Sanay Ka Bang Tumawag Sa Kanya? 🤗
Sino ang "go-to person" mo? Yung taong una mong tinatawagan kapag may nangyayari sa buhay mo, ang iyong lifeline sa gitna ng gulo ng buhay. Pwede itong kaibigan o kamag-anak na palaging nandiyan, hindi napapagod sa iyong mga kwento, at nagbibigay ng support kahit hindi laging may solusyon.
Tinatanong namin ito dahil sa series natin this week, “Finding Peace Through Prayer.” Titingnan natin ang katotohanang ang Diyos ang ating "ultimate go-to person" through prayer. Ang ganda ng ating paglalarawan sa taong lagi nating nilalapitan sa bawat pinagdadaanan natin. Posible kayang ganoon din ang maging pagtingin natin sa Panginoon, siya ang maaasahan natin sa pinakamahirap na bahagi ng buhay natin?
Basahin natin itong nakasulat sa Bible:
Panginoon, matuwid kayosa lahat ng inyong pamamaraan,at matapat sa lahat ng inyong ginagawa.Kayoʼy malapit sa lahat ng tapatna tumatawag sa inyo.Ibinibigay ninyo ang naisng mga taong may takot sa inyo;pinapakinggan ninyo ang kanilang mga daingat inililigtas nʼyo sila. (Salmo 145:17-19 ASD)
Nakikita mo ba? This passage from Psalms starts with a description of the Lord as righteous and trustworthy sa lahat ng Kanyang ginagawa. This serves as an important foundation for how we view Him, and, therefore, how we approach Him.
Sinasabi rin dito na malapit Siya sa lahat ng tapat na tumatawag sa Kanya, at ibinibigay Niya ang kanilang pangangailangan o ninanais. Pinakikinggan Niya tayo at inililigtas din.
Anong mga bagay ba ngayon ang kailangan mong mapakinggan ng Panginoon? Pwede mo itong ikwento sa Kanya sa pagdarasal, o sa pamamagitan ng pag-journal, pagguhit, o pagkanta. Maraming paraan para makipag-usap kay Lord. Tingnan mo kung alin ang mas nababagay sa iyo, at balitaan mo rin kami through e-mail!
Tandaan mo, isa kang miracle!