It’s time…Lumapit sa Kanya Nang Buong Puso! 🥳
Kapag lumalapit ka sa iba—halimbawa, sa kaibigan o ibang mahal mo sa buhay—mas madalas bang gumagaan ang pakiramdam mo, o lalo itong bumibigat? Minsan kasi, kapag nagkukwento tayo ng mga problema natin sa buhay, kahit maganda naman ang intensyon nila, hindi laging maganda ang epekto sa atin ng mga sinasabi nila. Tama ba?
Pero hindi ganoon ang Panginoon. As we continue our series, “Finding Peace Through Prayer,” we can get to know His heart more. Today, we want to focus on this truth: that with Him, we can come with confidence and know that He listens and wants to help us, gaya ng sinasabi sa Bible passage na ito:
Kung magkagayon, tatawag at mananalangin kayo sa akin, at diringgin ko kayo. Kung lalapit kayo sa akin nang buong puso, tutulungan ko kayo. (Jeremias 29:12-13 ASD)
Hindi ba’t nakakagaan ng damdamin ang pangakong ito? Na kung tatawag pala tayo sa Kanya, siguradong diringgin Niya tayo. At kung lalapit tayo sa Kanya nang buong puso, pangako Niyang tutulungan Niya tayo. Hindi ba makakatulong ito para maranasan natin ang kapahingahan in the midst of the heavy things we might be dealing with in life?
Again, like what we’ve been emphasizing, prayer is not just about closing our eyes, holding our hands together, and talking to God in our minds. Maraming paraan ang pakikipag-usap sa Kanya. Pwede itong gawin sa pamamagitan ng pagsulat, pagkanta, o paglakad-lakad habang kinakausap Siya sa isipan. At dahil magkakaiba ang mga paraang ito, we encourage you to try them all to see which one resonates with you the most. Basta ang importante, masanay tayong lumapit at tumawag sa Kanya.
Tandaan mo, isa kang miracle!