Ask and You Shall Receive Daw? 🤔
Sometimes, all it takes is someone who really listens. Hindi naman kailangan na laging may ibigay silang solusyon o tulong, ‘di ba? Minsan, sa simpleng pakikinig nila, ramdam mo na agad ang paggaan ng pakiramdam.
As we continue our series, “Finding Peace Through Prayer,” did you know that we can actually get both from God? He’s a God who truly listens to us, but who also actually takes action. That sounds like the perfect combination. At ang maganda pa, hindi Siya katulad ng mga taong mabilis lang magpayo pero wala namang totoong naitutulong. Basahin natin itong nakasulat sa Bible:
“Humingi kayo, at bibigyan kayo. Humanap kayo, at makakatagpo kayo. Kumatok kayo at pagbubuksan kayo. Sapagkat ang sinumang humihingi ay nakatatanggap; ang naghahanap ay nakatatagpo; at ang kumakatok ay pinagbubuksan. (Mateo 7:7-8 ASD)
Nakikita mo ba? Nakikinig ang Panginoon, at gustong-gusto Niya na lumapit tayo sa Kanya para sa ating mga pangangailangan. At hindi lang ‘yan—pangako pa Niyang kapag humingi tayo, bibigyan Niya tayo. Kung humahanap tayo, tutulungan Niya tayong matagpuan ang ating hinahanap; at kapag kumatok tayo sa pintuan Niya, pagbubuksan Niya tayo.
Hindi ibig sabihin nito na gawin nating parang genie in a bottle o Santa Claus si Lord, pero ipinapakita Niyang bukas ang puso Niya para sa atin. Pero may pagkakaiba sa paglapit natin sa isang tao kung akala natin ay hindi siya interesado, versus kapag alam natin na He is truly interested and cares for us.
Can we practice this? This week, before you start to pray—in any way that works best for you—read this Bible passage aloud to yourself to remind you that He cares and wants to help you.
Tandaan mo, isa kang miracle!