In Case You Forgot: May Ama Ka sa Langit.🤯
Minsan mahirap humingi ng tulong, lalo na kapag hindi bukal sa loob ng lalapitan mo, pero wala ka nang ibang choice. Ibang-iba ang pakiramdam kapag alam mong tutulungan ka nang hindi ka mapapahiya.
May mga kaibigan akong lumaki sa pamilyang hindi ganoon kaginhawa pagdating sa finances. Narinig ko sa mga kuwento nila na ang hirap humingi ng pera, kahit para sa mga pangangailangan sa school. May ilan pang magulang na, siguro dahil sa stress, ay itinapon ang walang lamang wallet sa harap nila. Kung tayo siguro ang batang iyon, hindi na tayo magkakalakas-loob pang humingi, ‘di ba?
As we continue our series, “Finding Peace Through Prayer,” we believe our picture of God affects how we approach Him. Today, ipagpatuloy natin ang Bible passage na naumpisahan kahapon, kung saan inaanyayahan Niya tayong humingi at bibigyan Niya tayo, humanap at makakatagpo tayo, at kumatok at pagbubuksan Niya tayo. Basahin natin ang karugtong nito sa Bible:
“Sino ba sa inyo ang magbibigay ng bato sa kanyang anak kung humihingi siya ng tinapay? O ng ahas kung humihingi siya ng isda? Kayo nga, kahit masasama kayo, marunong kayong magbigay ng mabubuting regalo sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting regalo ang mga humihingi sa kanya. (Mateo 7:9-11 ASD)
Nakikita mo ba? Tama, ‘no? Kung kaya ng isang amang tao na isipin ang ikabubuti ng kanyang anak, mas higit pa roon ang pag-aalaga ng ating Ama sa langit. And the more we know that truth, the more confident we can be to come to Him with our needs. Let’s practice coming to Him this week, and let us know how it goes.
Tandaan mo, isa kang miracle!