• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date May 2, 2026

To Love Jesus More—Do You Want It? 🥰

Publication date May 2, 2026

Paano ka nakikipagkaibigan sa iba, at paano mo sila mas nakikilala? Hilig mo ba ang mahabang kwentuhan, o mas sanay ka na laging may ginagawa kasama ang iyong mga kaibigan? Marami tayong paraan ng pakikipagkaibigan. Nalaman ko nga na ang iba, mas madaling kaibiganin ang mga taong madalas nilang nakikita, tulad ng classmates o workmates. At kapag hindi ganoon, hindi na nila alam kung paano pa kakausapin ang iba. 

Bakit namin naitanong ito? As we wrap up our series, “Growing in Faith Daily: Ways to a Stronger Walk with God,” gusto naming tingnan natin ang ang katotohanang ito: mas lumalapit ang puso natin sa mga taong alam nating may mabuting hangarin para sa atin. Paano ito nangyayari sa relasyon natin sa Panginoon? Let’s read this verse: 

Ipinakilala kita sa kanila, at patuloy kitang ipapakilala upang ang pagmamahal mo sa akin ay mapasakanila at ako man ay mapasakanila. (Juan 17:26 ASD

Isa ito sa mga sinabi ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod, sa huling gabi bago Siya hulihin at ipako sa krus. Dito, sinabi Niya na ipapakilala Niya ang Ama sa langit sa kanila. At ano raw ang magiging resulta ng pagpapakilalang ito? Mapapasaatin daw ang pagmamahal ng Ama kay Jesus. Ibig sabihin, matutunan din nating mahalin si Jesus gaya ng pagmamahal ng Ama sa Kanya. And that’s one of the most important ways to grow in faith—to love Jesus more and more. 

Let’s pray this together, “Lord, tulungan Mo akong higit Ka pang makilala, at dahil dito, tulungan Mo rin akong higit Ka pang mahalin. In Jesus’ name, amen.”

Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.