Time to Rest!
Paano ka nagpapahinga kapag napapagod? In the busyness of our lifestyles these days, marami sa atin ang hindi lamang nahihirapang humanap ng panahon para magpahinga, kundi minsan ay hindi rin marunong kung paano magpahinga. Hindi ba, kahit on our days off from work o school, our colleagues or teachers can still get in touch with us on our phones 24/7?
Kaya sa totoo lang, as we continue our series, “The Lord is our Shepherd,” napakahalaga pala nitong pangalawang verse that we’re going to reading now:
Pinagpapahinga niya akosa malagong damuhan,inaakay niya ako patungosa tahimik na batisan. (Salmo 23:2 ASD)
Like we talked about yesterday, sheep need a shepherd to bring them to green pastures where they can feed. In this second verse, inilalarawan pa ni David ang pastol bilang siyang nagdadala sa mga tupa sa malagong damuhan upang makapagpahinga. Bakit ba mahalaga ito? Ang mga tupa daw ay nangangailangan ng panahong magpahinga to digest their food. Hindi pala pwedeng buong araw pinapalakad ang mga tupa.
At sa paglalarawan ni David, ang pastol din ang nagdadala sa kanila sa tahimik na batisan kung saan pwede silang uminom. Matatakutin daw ang mga tupa at ayaw nilang uminom sa maingay at umaagos na tubig, kaya isa sa mga ginagawa ng pastol ay ang maghanap ng tahimik na batisan—or, sometimes, creating a makeshift pool of water for them to drink from.
Can you see the picture of what God Himself does for us? Pinagpapahinga Niya tayo, at binibigyan tayo ng tahimik na batisan where we can drink and feel refreshed. He knows exactly what to do to let us rest and be re-energized. Can you spend the next few minutes just resting in His presence and His care for you?
Tandaan mo, isa kang miracle!