Lost?
May pagkakataon bang kinailangan mo ng guide para malaman ang tamang daan? Malamang, naranasan mo ito in a light way—halimbawa, noong pupunta ka sa isang lugar na hindi ka pamilyar. These days, we can use Google Maps or GPS to give us directions. Pero paano kapag walang signal?
May mga kaibigan kaming pumunta sa probinsya noon. Medyo bago pa lang ang GPS, pero gumamit sila nito. Habang nasa biyahe, nawalan sila ng signal, at napadpad sila sa isang napakaliit at sira-sirang daan, at kinailangan pang tumawid sa isang umaagos na ilog! Nakakatawang isipin, pero kapag naliligaw ka na, napakahalaga pala talaga na may tamang gabay ka. Buti na lang ngayon, mas detalyado na ang GPS.
As we continue our series this week, “The Lord is our Shepherd,” let’s read the next verse in the Psalm:
Binibigyan niya akong panibagong kalakasan.Pinapatnubayan niya akosa tamang daan,upang siyaʼy aking maparangalan. (Salmo 23:3 ASD)
Nakikita mo ba kung ano pa ang mga pwedeng mangyari kapag ang Panginoon ang pastol ng buhay natin? Dito, may dalawang katotohanang ipinapakita si David:
-
Ang Panginoon ang nagbibigay ng panibagong lakas sa atin
-
Siya rin ang pumapatnubay sa atin sa tamang daan
May pinagdadaanan ka ba ngayon kung saan kailangan mo ng panibagong lakas? Tumawag lang sa Kanya, at siguradong tutulungan ka Niya.
O kaya naman, may pinagdadaanan ka ba ngayon kung saan kailangan mo ng gagabay sa’yo sa tamang daan? Siya rin ang Pastol na maaari mong tawagin. Pwede mong ikwento sa Kanya ang mga pinagdadaanan mo ngayon bilang panalangin. Try it and let us know how it goes.
Tandaan mo, isa kang miracle!