North Star
Malungkot at mahirap kapag wala tayong malapitan para sa mga tanong natin sa buhay. Minsan, ang nagiging last resort na lang natin ay ang internet. Pero sa dami ng fake news online, kailangan nating matutong mag-fact-check. Kailangan pa rin nating maging maingat at suriin kung tama at totoo ba talaga ang mga impormasyong nakikita natin.
Does this make you wish there were such a thing as absolute truth —something that doesn’t just change with the wind or with what’s trending nowadays?
Sa mga tagasunod ni Jesus, dito pumapasok ang Bible bilang pinagmumulan ng immovable truth (Psalm 119:105). Hindi ba kailangan natin ngayon ng katotohanang hindi natutunaw, hindi nababago ng panahon?
Maaari daw itong ihambing sa North Star —the star that ancient seafarers used to determine their direction. Dati kasi, wala pang GPS, kaya natutunan nilang basahin ang mga bituin para malaman kung saan sila pupunta. Alam mo bang ang ibang mga bituin ay mukhang gumagalaw dahil sa pag-ikot ng mundo? In contrast, the North Star sits almost directly above the North Pole and is considered one of the fixed points in the sky. Dahil dito, kahit anong panahon ng taon, nananatili ito sa kanyang pwesto at pwedeng maging guide para mahanap ang hilaga o ang north—at sa gayon, malaman kung saan dapat pumunta.
May “North Star” ka ba sa buhay mo? Sa dami ng tanong natin, meron ka bang malalapitan na hindi nagbabago? For us, Jesus and the Bible are a few things in life that never change and that we can always count on. We hope that through these e-mails, we can also help you form that kind of relationship with God and His Word.
You can pray this: “Lord, teach me to ask You for real truth.”
Tandaan mo, isa kang miracle!