• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Hun 25, 2026

May Tanong Ka Ba?

Publication date Hun 25, 2026

Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na magtanong kay Lord ng tatlong tanong, what would you ask? Ang sarap isipin na makakausap mo Siya, ‘no?

May isang film series kaming napanood kung saan ito ang mga itinanong sa kahit sinong naglalakad sa daan. May ilan na nagtanong, “Why is there suffering?” Meron namang, “How do we live a good life?” At ang iba naman, “Is there really life after death?” Napaka-seryosong mga tanong na hindi natin basta-basta sinasabi kahit sa mga kaibigan natin. 

Pero alam mo ba na sa Bible, may mga taong naglakas-loob ding magtanong ng mga ganitong kaseryosong tanong sa Panginoon? Isa na rito si Abraham, noong panahon na binalak ng Panginoon na wasakin ang napakasamang mga lungsod ng Sodom at Gomorrah. Doon nakatira ang pamangkin niyang si Lot, kaya lumapit si Abraham sa Panginoon at nagtanong. Ilang beses niyang tinanong kung wawasakin ba ng Diyos ang buong lugar kahit na may iilan pang mabubuting tao doon. Pababa nang pababa ang bilang na binanggit ni Abraham, pero sinagot pa rin siya ng Panginoon.

Bakit namin naikuwento ito? Dahil sa kwentong ito (mababasa mo ang buong kwento sa Genesis 18:16–33), makikita natin na hindi naiilang si Lord kapag kinakausap at tinatanong natin Siya. We hope that this story will encourage us to come to Him, even with the more difficult questions we have about life.

Ikaw ba, may gusto ka bang itanong sa Kanya na pakiramdam mo ay mali o hindi dapat itanong? You can try Him. He is the One who created you—your heart and your mind—and He won’t be offended by your questions. Pwede mong dasalin ito: “Lord, may mga tanong ako tungkol sa [ikwento dito]. Bakit po [ilagay dito ang tanong]?” 

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.