Ask Him Anything
In life, we all look for someone to turn to when questions arise—whether about simple matters, big decisions, or even the deeper questions of identity and purpose. Pero hindi lahat ng sagot ay madaling hanapin, kaya madalas, hinahanap natin ang taong makakapagbigay ng linaw sa atin.
May isang social media influencer na gumawa ng YouTube videos ng mga how-to do things that fathers commonly teach their children, like how to do basic household repairs, how to fix a flat tire, and many more. Naisip daw niyang gawin ito dahil dumadami na ang mga batang lumalaking walang tatay na nagtuturo ng mga ganitong bagay.
Pero paano kung ang mga katanungan natin ay more of… questions about identity, purpose, o mga desisyon na kailangan nating gawin sa buhay? Madalas, mas mahirap sagutin ang mga ito.
Throughout my childhood, mas malapit ako sa papa ko keysa kay mama. Sa tingin ko, dahil nararamdaman kong mas naiintindihan niya ako. Habang kami naman ni mama, laging nag-aaway. Pero noong patapos na ako ng college, lalo lang kaming hindi nagkaintindihan dahil sa gusto kong gawin sa buhay ko.Gusto niyang manatili ako sa family business, habang ako naman ay gustong umalis at mag-adventure sa ibang trabaho kung saan-saan.
In the end, nakuha naming pareho ang gusto namin: una, nagtrabaho ako sa isang kumpanya dito lang sa lugar namin, at pagkatapos noon ay nakatulong din ako sa aming family business nang ilang buwan. Pero nakita ko kung gaano kalaking tulong ang pagkakakilala ko kay Jesus, dahil sa mga panahong iyon, natutunan kong isama Siya sa mga desisyong ginagawa ko sa buhay.
Ikaw ba, kapag may mga ganoong mahalagang katanungan sa buhay, kanino ka lumalapit? Can you try asking Him? He will not turn you away.
Tandaan mo, isa kang miracle!