• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Hun 22, 2026

Go Ask—HE Hears

Publication date Hun 22, 2026

Napapansin mo bang mahilig magtanong ang mga bata? Nonstop na “bakit,” “paano,” at “ano ’yan?” sa bawat bagong nakikita nila. Curious sila sa mundo. Pero habang tumatanda, unti-unti ding natututong tumahimik na lang. Hindi naman nawawala ang mga tanong, pero hindi kaya dahil mas pinipili ng ibang magtanong na lang sa Google, ChatGPT, o iba pang AI at doon kumuha ng sagot?

Kaya pinili naming gawin ang series na ito for this week, “It’s OK to Ask Questions.” Dahil alam naming may mga katanungan talaga tayo—and hindi ito mali. In fact, we believe that God created us with minds that want answers and are capable of asking deep, curious questions, gaya ng sinasabi sa Book of (Proverbs 25:2). Kasama doon ang mga tanong natin tungkol sa Diyos at kung sino nga ba Siya talaga.

Sa pamilya namin, may paborito kaming librong Anne of Green Gables ni L.M. Montgomery. Sa Book 2 nito, may batang inampon ang pamilya ni Anne—si Davey, isang napakahilig magtanong na bata. At sa panahon nila, maraming mga paniniwala tungkol sa Diyos na hindi mo pwedeng basta itanong. Eh paano na lang si Davey na tanong nang tanong? 

Si Marilla, na umampon sa kanya, ay hindi rin alam kung ano ang isasagot sa mga tanong niya. Buti na lang nandoon si Anne, na kanya ring ampon, na marunong makinig at nakakaintindi kay Davey. By engaging with his questions, she helped him form a beautiful picture of God in his heart, one that’s more accurate to how the Bible portrays Him. 

Sa tingin namin, ang ginawa ni Anne ay kapareho din sa kung paano nakikitungo si Jesus sa mga tao. Kung titingnan natin sa Bible, makikita natin na ramdam ng mga tao na talagang tanggap sila ni Jesus. Kaya pwede din tayong lumapit sa Kanya dala ang ating mga tanong.

Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.