• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Hun 21, 2026

You Can Ask

Publication date Hun 21, 2026

Curious ka bang tao na laging maraming tanong? May paborito ka bang taong pinagtatanungan? O baka naman mahilig kang mag-research online gamit ang Google o ChatGPT? 

Anlaki ng pinagbago ng panahon dahil sa Internet. Tama ba kami sa napapansin namin, that although we have information right at our fingertips, it might also be causing us to be less… curious about one another? 

That’s why our series this week is entitled, “It’s OK to Ask Questions.” Questions about life, faith, God—or whatever’s on your mind.”

Pero parang may isang bagay tayong madalas iwasang tanungin—ang tungkol sa Diyos at mga spiritual na bagay. Lalo na dito sa atin, kung saan simula bata pa lang ay dinadala na tayo sa simbahan at halos tinuturuan na sumunod na lang. Minsan, sinasaway agad kapag may tanong. Hindi naman lahat, pero marami rin, ’di ba?  

Nanonood ka ba ng Young Sheldon? Isang series ito sa Netflix tungkol sa pamilya Cooper. Napaka-religious ng nanay nila, pero ang tatlo niyang anak ay hindi gaanong interesado roon. Nagkaroon ng bagong youth pastor sa simbahan nila, at sa Sunday school class, maraming tanong si Missy Cooper. Napansin ito ng nanay niya, at hindi niya maintindihan kung bakit hindi na lang si Missy sa kanya nagtatanong. Sa mga sumunod na episodes, sinabi ni Missy na mas gusto niyang magtanong sa sister-in-law niyang si Mandy kaysa sa nanay niya. Ang dahilan? Hindi raw kasi marunong makinig ang nanay niya at lagi na lang nagle-lecture.

Ganoon din ba ang tingin natin kay Lord? Like He doesn’t listen, or that He always shuts us down? Alam mo ba na sa Bible mismo, iniimbitahan tayo ng Diyos na makipag-usap sa Kanya—to share our thoughts, struggles, and questions? Kahit ang Psalms ay puno ng mga katanungan ng iba’t-ibang manunulat. Kaya okay lang magtanong kay Lord. At pwede natin iyong simulan ngayon.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.