• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
    • VI Vietnamese
Publication date Okt 18, 2026

Make The Right Choice

Publication date Okt 18, 2026

Paano mo malalaman kung tama ang mga pinipili mong gawin?

Ang daming choices sa araw-araw nating buhay. May mga kailangang pagdesisyunan, may mga bagay tayong pinipiling gawin o huwag gawin. At siyempre, gusto naman nating makagawa ng tamang desisyon.

Recently, ang panganay naming anak ay nagtapos na sa high school. Napili niya—at ng aming pamilya—na mag-“gap year” muna siya bago mag-college, isang taong break muna bago siya magsimula sa college.

Pero hindi niya piniling isang taon na walang gagawin. Pinili niyang pumasok sa isang training school for missions and outreach.

Noong tinanong siya ng mga kaibigan kung bakit iyon ang napili niya, sabi niya, gusto niya kasing may kabuluhan din ang gagawin niya sa isang taon na hindi siya officially enrolled sa school.

Sa Bible, may ganitong nakasulat: 

Magtiwala ka nang buong pusosa Panginoonat huwag kang manaligsa iyong sariling karunungan.Alalahanin mo ang Panginoonsa lahat ng iyong ginagawaat ituturo niya sa iyo ang tamang landas.Huwag mong isipingnapakarunong mo na.Matakot ka sa Panginoon,at huwag gumawa ng masama. (Kawikaan 3:5-7 ASD) 

Nakikita mo ba? Kapag may kailangan tayong pagdesisyunan, hindi natin kailangang umasa sa sarili nating karunungan lang. Maaari nating isama ang Diyos sa lahat ng ginagawa natin at hayaan ang Kanyang mga salita ang gumabay sa atin.

Malamang gusto mo rin makagawa ng tamang choices. Pwede mong simulan sa pag-cultivate ng relationship mo with God. You can start by praying:

“Lord, gusto kitang mas makilala at malaman kung ano ang nasa puso Mo. Turuan Mo akong magtiwala sa Iyo at huwag umasa lamang sa sarili kong understanding. Gabayan Mo ako papunta sa tamang landas—the path that’s in line with what You want. In Jesus’ name, amen.” 

Ngayon, anong decision ang kailangan mong isuko sa Diyos at pagtiwalaan Siya?

Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.