• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
    • VI Vietnamese
Publication date Okt 19, 2026

Overwhelmed Ka Na Ba?

Publication date Okt 19, 2026

Have you ever had one of those days na paggising mo pa lang, parang ang dami nang kailangang gawin?

May kailangan ang mga anak. May deadline sa trabaho o school. May bills na kailangang bayaran. Tapos yung sasakyan, na parang may sariling schedule ng pagpapagawa—lagi na lang may kailangang ayusin!

I think we’ve all had moments like that. Yung pakiramdam na ang dami-dami mong kailangang gawin, pero limitado ang oras, lakas, at pera mo. 

Kaya today, instead of adding another thing to your already long list, let’s pause for a moment and remember what God says. As we continue our series, “Walking with God,” there’s actually good news for us in the midst of all the challenges we face.

Let’s read this verse: 

Ngunit kahit ganito ang kalagayan natin, ganap ang ating tagumpay sa tulong ni Kristo na nagmamahal sa atin. (Mga Taga-Roma 8:37 ASD) 

Tingnan natin ito nang isa-sa: 

  • “Ngunit kahit ganito ang kalagayan natin…”

Ngunit kahit ganito ang kalagayan natin: Napansin mo ba ang words na “kahit ganito”?  Hindi naman sinabi na wala tayong pagdadaanan. May mga araw talagang mahirap. May mga problemang hindi natin kayang ayusin agad. Pero kahit ganito ang kalagayan natin, hindi tayo iniiwan ng Diyos.

  • “ganap ang ating tagumpay…”

Hindi mo kailangang mahirapan magtagumpay, kasi sabi sa Bible, matagumpay ka na. May victory tayo dahil kahit sa gitna ng paghihirap, hindi tayo nakahiwalay sa Diyos.

  • “sa tulong ni Kristo na nagmamahal sa atin.”

Dito tayo kumakapit. It’s through Jesus and His power that we are declared victorious. 

Kaya today, kumuha ka ng papel. Isulat mo ang mga nagpapabigat sa isip at buhay mo ngayon. Isa-isahin mo sila sa harap ni Jesus. Then remind yourself: 

Hindi ko kailangang harapin ang lahat mag-isa. Kasama ko si Jesus. Magpasalamat ka sa Kanya, hindi dahil madali ang lahat, kundi dahil kahit mahirap, hindi nagbabago ang Kanyang pagmamahal sa’yo. Siya ang nagbibigay sa’yo ng tagumpay.

Anong bigat ang gusto mong ipagkatiwala kay Jesus today?

Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.