He Knows You
Nanonood ka ba ng pelikula sa sinehan o sa Netflix na sobrang invested ka na sa story? Yung feeling na akala mo alam mo na ang mangyayari, tapos biglang may eksenang magpapasabi sa’yo, “Ha?! Siya pala?!”
That’s a plot twist. Ito yung moment na mapapahinto ka, magugulat, at mapapaisip.
Ginagamit ito ng mga writers para gulatin tayo at dalhin ang story sa direksyong hindi natin inaasahan.
Ako, may pinapanood akong pelikula ngayon tungkol sa apat na magkakapatid na babae. Sinusundan ko ang buhay nila—ang kanilang love life, mga struggles, mga tampuhan, at siyempre, ang relationship nila bilang magkakapatid at magkakaibigan.
Tapos, pagdating ng mga ika-60-plus na episode…biglang nalaman na buntis ang bunsong kapatid. At ang nakakagulat, ang nakabuntis ay kapitbahay na matagal nang bahagi ng buhay nila—mula pa noong bata sila.
Pero may isang interesting na bagay tungkol sa mga taong nagsulat ng story. Hindi sila nagugulat.
Why? Because they already know the whole story. Sila ang gumawa nito. Sila ang nagsulat ng bawat chapter, bawat character, bawat conversation, at bawat plot twist.
At somehow, magandang larawan ito ng ginagawa ng isang Creator. Ang creator ang siyang nakakaalam ng iba’t-ibang bahagi ng kanyang nilikha.
May mga bahagi ng buhay natin na parang plot twist din. May mga pangyayaring hindi natin inaasahan. May mga chapter na hindi natin maintindihan kung bakit kailangang pagdaanan.
Pero ang magandang paalala ng Psalm 139 ay ito: nagpapakita ito ng totoong puso ng Creator natin: He’s the One who knows us intimately, and loves us anyway.
Nakikita Niya ang whole picture kahit ang nakikita lang natin ay ang chapter na kinaroroonan natin ngayon.Kaya kahit hindi natin alam kung ano ang susunod na mangyayari, maaari tayong lumapit kay Jesus, dalhin sa Kanya ang ating fears at questions, at magtiwala sa Kanya.
Anong bahagi ng buhay mo ngayon ang kailangan mong ipagkatiwala sa Diyos, knowing that He already knows the whole story?
Let’s pray this together:
“Lord, salamat dahil Ikaw ang lumikha sa akin. You know and see everything about me. Alam Mo ang buong story ng buhay ko. Kahit minsan hindi ko naiintindihan, alam Mo kung ano ang nasa puso ko, at mahal na mahal Mo ako. Ikaw ang pinakamagaling na makakatulong at gagabay sa akin. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!