Feeling Invisible?
May time ba na pakiramdam mo’y nawala ka na sa alaala ng lahat—even God?
May kaibigan akong nawalan ng wallet. Nagmamadali siyang umuwi galing sa kanyang trabaho sa call center, at hindi niya talaga matandaan kung saan niya natanggal ang kanyang lanyard na pinagkakabitan din ng kanyang wallet. Nandoon pa naman lahat ng kanyang mga ID at ATM cards.
Inis na inis siya sa kanyang sarili at sa Panginoon kung bakit nangyari iyon. But on the same day, she joined a fun run she had signed up for weeks before, and received plenty of freebies and items from the activity. Nakatulong ito sa nararamdaman niya. Naisip niya, naalala pala siya ng Panginoon. Perfect timing ang pagdating ng mga freebies na groceries sa panahong nawalan siya ng pera.
Of course, we don’t base what we believe about who God is on circumstances, but we do believe that God likes being involved in our daily life and showing us His character.
Sa Bible, may kwento tungkol kay Joseph, ang bunsong anak sa pamilya at paborito ng kanilang ama. Dahil sa inggit sa kanya ng kanyang mga kapatid, ibinenta nila siya sa mga Egyptian traders bilang isang alipin, at napadpad siya sa isang pamamahay kung saan sinabing kasama niya ang Panginoon (Genesis 39:2), kaya naging mapagkakatiwalaan siya ng kanyang amo. .
Pero hindi lahat ay maganda. Habang nandoon siya, napagbintangan siya at nabilanggo. But guess what, even there, the Bible says that the Lord was with Joseph. Naging mapagkakatiwalaan ulit siya ng tagapamahala ng bilangguan!
May pinagdadaanan ka ba ngayon? Alalahanin mo, katulad ni Joseph, nandiyan lang si Lord kasama mo. Naaalala ka Niya!
Tandaan mo, isa kang miracle!