Do You Feel Remembered?
Noong bago pa kami mag-ampon sa aming pamilya, bumisita kami sa isang orphanage. Buong church kaming pumunta doon to host a Christmas party for the kids. Nagdala kami ng mga pagkaing alam naming paborito nila like spaghetti, fried chicken at desserts. Syempre, may mga regalo rin kaming inihanda para sa kanila, plus games na sinalihan ng lahat. Buong araw kaming nakipagsaya sa mga batang ulila na naroroon. Ikaw ba, nakabisita ka na ba sa isang orphanage?
Marami talaga ang nakakaisip bumisita sa orphanage tuwing magpapasko. Dito, karaniwan mong makikita ang mga batang tuwang-tuwang sasalubong sa iyo. Sa kanilang mukha ay bakas ang tunay na saya. Ganito din ang epekto sa mga visitors, the sincere happiness of seeing the children excited, hugging them, and clinging to them.
Pero alam mo ba kung ano ang nakakalungkot? These children often act clingy because they have no guarantee of when they get to connect with adults like that again. Dahil sanay silang panandalian lang ang mga bumibisita, hindi nila alam kung kailan muli may darating, may dalang Jollibee o mga regalo. Nakakalungkot isipin na kailangan pa nilang maghintay kung kailan sila muling maaalala.
That’s why our series this week is entitled, “You Are Not Forgotten.” Gusto naming tingnan ang mga kuwento sa Bible na nagpapakita sa atin na hindi tayo nakakalimutan ng Panginoon.
Sa Genesis 21, may kuwento tungkol kay Hagar na lumayas mula sa kanyang among si Sarai kasama ang kanyang anak. Naubusan sila ng tubig sa disyerto, at natakot si Hagar na mamatay na lang sila roon. Pero “narinig ng Diyos ang iyak ng bata” (Genesis 21:17 ASD) at tinulungan Niya ito. Isn’t that heartwarming?
Let’s take a moment now to think about at least one instance where you believe God remembered you. Pwede itong isulat sa journal o ipagpasalamat sa Kanya sa panalangin.
Tandaan mo, isa kang miracle!