How Is Your Family, Really?
Kumusta ang pamilya mo? Sa dami ng mga pangyayaring nakakabahala ngayon, siguro isa ka rin sa mga nakakaramdam ng pag-aalala para sa kanila.
May mga balita tungkol sa karahasan, sa loob man o labas ng tahanan. May mga taong gumagawa ng mga desisyong nakakasakit sa sarili at sa iba. May mga magulang na nag-aalala dahil sa mga nakikita at nababasa ng mga anak nila online. At minsan, kahit nasa iisang bahay lang kayo, parang ang hirap pa ring kumonekta—lalo na kapag teenager na sila.
Baka may ganitong concern ka rin. Nakakatakot, hindi ba?
Kaya this week, pag-usapan natin ang pangakong pag-asa ng Panginoon para sa ating pamilya, in this series, ‘Hope For Your Family.’”
At magandang malaman na hindi tayo pinapabayaan ng Diyos na harapin ang mga challenges sa pamilya nang mag-isa. The Lord Himself desires to build strong families, and He has given us powerful weapons to fight for and protect our families.
Isa sa mga makapangyarihang sandatang ibinigay Niya sa atin ay ang panalangin.
Sabi nga sa Bible:
Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong pangangailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. Kapag ginawa ninyo ito, bibigyan kayo ng Diyos ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayoʼy nakay Kristo Hesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao. (Mga Taga-Filipos 4:6-7 ASD)
Napakaganda ng paalala nito.
Let’s start our series by pausing for a few minutes. Ikwento natin kay Lord lahat ng needs at concerns natin para sa ating pamilya. Let’s ask Him for wisdom on what to do and how to respond, habang nagtitiwala tayo na He is in control and He is always working for our good.
Tandaan mo, isa kang miracle!