Hidden Struggles
In our family, what you see is what you get. We believe in transparency, and we don’t like pretending to be something we’re not. Ganito rin ba sa inyo?
Pero hindi lahat ng panahon ay maintindihan ng iba ang mga pinagdadaanan natin. There have been times when we have tried sharing some of our weaknesses, and thankfully, some friends have been supportive, encouraging, and genuinely willing to help. Pero meron ding ilan na, kahit hindi sinasadya, ay nagiging judgmental. At kapag nanggaling ito sa mga taong pinagkakatiwalaan natin, mas masakit dahil ang inaasahan nating pag-unawa ay nauuwi sa pagkadismaya.
Kaya kung naranasan mo ring hindi maintindihan ng iba sa mga pinagdadaanan mo, hindi kataka-takang minsan ay mas pinipili nating itago ang mga bahagi ng buhay na mahirap pag-usapan—mga pagkakamali, kahinaan, sugat, at maging mga kasalanang paulit-ulit nating kinakaharap.
Anu-ano ba ang mga bahagi ng buhay mo na parang gusto mong itago sa iba? Maybe there really are things we don’t always want people to see or understand.
At madalas, dahil sa mga pinagdadaanan natin, napapaisip tayo na kapag nadapa tayo, baka lumayo rin ang Diyos sa atin.
Ngunit kabaligtaran ang sinasabi ng Bible. Throughout the years that Jesus walked among men, makikita natin na hindi Siya lumalayo sa mga makasalanan, sugatan, at nabigo. Sa halip, mas lalo Siyang lumalapit sa kanila.
Ganito rin ang paanyaya sa Santiago 4:8: “Lumapit kayo sa Diyos, at lalapit Siya sa inyo.”
Ang tanong ay hindi kung handa bang lumapit ang Diyos sa iyo. Ang tanong ay: handa ka bang lumapit sa Kanya?
Take a moment right now to pray, at dalhin sa Diyos ang isang bagay na matagal mo nang itinatago.
Tandaan mo, isa kang miracle!