• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Hul 27, 2026

From Shame to Grace

Publication date Hul 27, 2026

Have you ever noticed na kapag may nagawa tayong mali, mabilis nating sisihin ang ating sarili? Minsan, mas maingay pa ang boses ng kahihiyan kaysa sa katotohanan. But what if there’s a better, kinder truth we need to hear instead?

Ganyan ako noong bata ako, at kahit nagkaasawa na at nagkapamilya na, hindi ko namamalayan na iyon pa rin pala ang unang pumapasok sa isip ko.

Dumaan din kaming mag-asawa sa isang medyo mahirap na sitwasyon. Madalas kaming hindi magkaintindihan noon, laging may away at gulo. Minsan, hindi na rin namin maintindihan kung bakit kami nag-aaway. 

Good thing, someone we knew who was trained in helping people identify unhealthy patterns of thinking stepped in to help. Through that process, natuklasan ko na may ganoon pala akong habit: kapag may nangyaring mali, my first thought is, “It’s my fault.” Tinulungan niya akong tanungin si Lord kung ano ang katotohanang pwede kong ipalit sa kasinungalingang iyon. 

Ang ganda lang kasi ang sinasabi ni Jesus sa Bible ay hindi “Ayusin mo muna ang sarili mo.” Ito ang sinasabi Niya, na makikita natin sa Romans 8:1

“There is therefore now no condemnation for those who are in Christ Jesus.”

Hindi ito excuse para sa kasalanan. Ang ibig sabihin nito, ang pagbabago ay nagsisimula hindi sa kahihiyan, kundi sa biyaya at pagmamahal ng Panginoon. Inaanyayahan tayo ni Jesus na dalhin sa Kanyang presensya ang bawat sugat, takot, at pagkukulang. Sa Kanya, may kapatawaran, at sa Espiritu, may tunay na pagbabago.

Let’s pray this together, “Lord, show me what You think of me when I fail You. Help me understand Your unconditional love for me. In Jesus’ name, amen.” 

Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark Cabag
Author

Advocate for fostering and adoption who loves both the mountains and city life!