Alam Mo Ba ang mga Sugat na Tinanggap ni Jesus?😵
Kahapon, pinag-usapan natin ang pagpapakumbaba ni Jesus kung saan Siya ay naging tao at hinarap ang cross, at kung anong kahihiyan ang ginawa ng mga tao sa Kanya. As we continue our series going towards Holy Week, “Arms Wide Open: Looking at the Cross,” we want to take a closer look at what really happened on the cross. At naniniwala kaming makakatulong ito sa iyo upang mas maintindihan mo kung gaano kalaki ang Kanyang pagmamahal.
Today, let’s read this passage:
Siya mismo ang umako sa mga kasalanan natin nang ipako siya sa krus, upang iwanan na natin ang buhay na makasalanan at mamuhay nang matuwid. Dahil sa mga sugat niya, gumaling tayo. Para tayong mga tupang naligaw noon, ngunit nakabalik na tayo ngayon sa Panginoon na Pastol at Tagapagbantay ng ating buhay. (1 Pedro 2:24-25 ASD)
Ilang bagay ang ipinapakita nito: una, inako Niya ang mga kasalanan natin, and this results in our leaving our old life of sin and walking in His ways. That in itself is such good news! Ibig sabihin, lahat ng kasalanan natin ay inako na Niya sa cross, kaya hindi na natin kailangang dalhin ang mga ito.
Pangalawa, dahil sa mga sugat niya, gumaling tayo. At hindi basta-basta ang dinanas Niya. Bago Siya ipinako, ipinahagupit Siya sa mga sundalo (Mateo 27:26), and this was no ordinary punishment. Historically, ginagawa raw ito hanggang parang punit-punit na ang balat sa mga sugat. That means what Jesus went through on His way to the cross was anything but simple.
At ito ang pangatlo na makikita natin sa binasa nating passage: He endured that because it meant maibabalik Niya tayo sa Panginoon, na parang mga tupang naligaw na ibinabalik Niya sa totoong Tagapagbantay natin. We can thank Him for this amazing love!
Tandaan mo, isa kang miracle!